Simbang Gabi

                                                 

Unang misa ng misa de gallo o simbang gabi mamayang madaling araw. Ito rin ang pinaka-aabangan at pinakamataong misa ng siyam na gabing novena sa Pasko. Ang loob at labas ng simbahan ay napupuno ng mga ‘mananampapalataya’ ang iba naman ay ‘namamanata’ at may iba namang ‘usyoso’ lang.

Siyam na araw ang misa at ito ay ginaganagap tuwing 4:00 ng umaga. Sa ibang mga simbahan sa Pilipinos mayroon ng anticipated na misa de gallo.  Noong panahon ng kastila ang misa de gallo ang misa ng mga pangkaraniwang tao, lalo na ang mga magsasaka, na sumasadya sa simbahan bago pa magtungo sa sa kanilang sakahan. Ngayon, ito ay popular na pagtitipon bilang pagsasariwa sa paghihintay sa kapanganakan ni Hesus.

Masaya ang magsimba, dahil napakaraming tao at di malayong mayroon kang mga kaibigan o kakilala na makikita roon. Sa mga namamanata, naniniwala sila na kung makumpleto mo ang nobena ng siyam na araw, ay makakamit mo ang anumang iyong kahilingan o panalangin. Ito ang matiimtim na paninilawa ng ilang mga nanampalatayang Katoliko.

Pagtapos ng misa, mapanukso ang mga pagkaing tinitinda sa paligid ng simbahan. Ito ang mga tipo ng pagkaing di mo madalas matitikman dahil seasonal lamang. Nandiyan ang puto bungbong, bibingka, lugaw, tsamporado, puto, kutsinta at iba pa. Ang mga inumin naman ay kadalasang kape, tsokolate o salabat. Sadyang Pinoy na Pinoy ang misa de gallo.

Dahil sa malamig ang panahon, di alintana ng mga nagsisiksikang tao ang init ng katawan ng bawa’t isa. Dito na rin nagsisimula na makita ang simbahan na may dekorasyong pamasko at musikang pamasko. Tulog na ng maaga kung gusto niyong magsimbang gabi. At mag-ingat sa dami ng tao, dahil hindi naman lahat ng nandoon ay sagradong relihiyoso.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s