Limos at ang Musmos ng Lansangan

Ano ang ibibigay mo sa mga batang ito? Barya mula sa iyong pagsasashopping?

Hindi ko pa naman nalibot ang buong mundo, pero sa lahat yata ng bahagi nito ay naroon ang mga pulubi malapit sa kung saan ang mga nakakarangya. Ngunit sa Pinas, patuloy na nagiging malikhain o simpleng may stratihiya ang mga pulubi. At ang mga ito ay nangyayari sa iba’t ibang lugar.

Sa Maynila, sumasasampa ang mga bata sa tuwing hihinto ang jeep. Mag-aabot ng sobre na may nakasulat. Ngayong Kapaskuhan, ampao ang kanilang inaabot sa mga pasahero. Bago ang Kapaskuhan, sobre lang na may nakasulat na “ate kuya, tulong lang po sa eskwela”. Isa rin paraan ang pagpupunas ng sapatos o sinelas para sa kaunting barya.  Ngayon nga ay ang pag-abot ng ampao ay may kasamang kanta o karoling.

Kapansin-pansin ang mga gawing ito ay nauulit sa iba pang lugar sa Maynila. Saan nakukuha ng isang musmos ang kaalaman na gawin ang mga ito upang makahanap ng pera? Ano ang nararamdaman nila? Di ba sila natatakot na maaring malagay sa panganib ang kanilang buhay sa tuwing sila’y sasampa at bababa ng jeep, o di kaya’y tatakbo sa lansangan upang kumatok sa mga kotseng nakipinang?

Ano nga ba ang nasa isip ng isang bata sa paghingi niya ng limos? Ano ang nararamdaman niya kung siya’y nabibigyan ng limos at tinatanggihang limusan? Saan niya dinadala ang kaunting pera niyang nalikom sa isang maghapon na panglilimos? Ano ang ginagawa ng kanyang mga magulang para sa kanila? Bakit sila hinahayaan? Ano ang ginagawa mo kung bakit sila na sa ganoong kalagayan?

Ang limos para sa isang musmos, sa ganang akin ay sadya namang walang naitutulong sa mga batang lansangan. Hindi rin ito dapat ipagmalaki na gawa ng kabutihan ng puso. Ang paglilimos sa mga batang lansangan ay siya ring nagtutulak sa kanila sa maaring kapahamakan sa lansangan. Ito ay nanghihikayat pa at nagpapanatili ng isang vicious cycle of dependency. Nagiging bahagi tayo nito sa pagbibigay lamang ng limos.

Hindi kaya self-serving ang ginagawa nating panglilimos sa mga musmos, na dahil sa ayaw nating maguilty na tinanggihan natin ang isang batang maaraing tunay naman na nangangailan, o dahil sila ay mga estranghero at nais nating maging isang tunay na samaritano? Hindi kaya tayo ay naiimpluwensyahan lamang ng paniniwala sa karma ng buhay at ang paggawa ng mabuti ay mabuti ring katumbas sa ibang panahon? O di kaya ang batang lumalapit sa iyo at humihingi ng tulong ay isang “fairy” na nagkatawang tao at sumusubok lang sa kabutihan ng iyong puso?

Hamon ko sa naniniwalang ang paglimos sa mga batang lansangan ay pagtulong sa kapwa at akto ng pagmamahal, na isipin ang kung ano ba talaga ang naidudulot nito sa buhay nila at ng mga bata. Sa ibabaw, magaan ang pakiramdam ng nagbibigay ng limos. Ito ay sa dahilang naiisip nila na sa maliit na bagay “nakatulong sila” at hindi tumanggi. Sa mga batang lansangan, ito ay nagbibigay sa kanila ng impresyon na upang mabuhay kailangang manglimos. Ito rin ay maaring magsignal sa mga magulang ng mga bata na matuwid ang manglimos.

Ang pagtulong sa kapwa ay hindi naman nasusukat sa halaga ng ibinigay, ito ay nasa kung ano ang kalooban ng taong tumutulong.  Babalik tayo sa tanong na paano nakakatulong sa kapwa ang paglimos at panglilimos? Paano nababago ang buhay at pananaw ng mga musmos sa lansangan ang panglilimos at paglilimos?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s