Videoke Version ng Pasyon Coming Soon

Mas matanda pa sa lolo ng lolo ng lolo ng lolo ko ang ginagawang pag-atungal ng ilang mga piling piling kapitbahay pag-pasok ng Holy Week. Teka lang bakit ang Holy Week sa tagalog e Mahal na Araw? Dapat Banal na Araw di ba di ba?

Eh mahal naman talaga. Ang magpabasa nga lang, sa probinsiya namin, dinudumog iyan kahit ng mga di marunong magbasa. Basta marunong ngumuya, nandun, nakikikain. Kasi naman magsisimula iyan ng umaga, hanggang sa susunod na araw, libre ang pagkain, almusal, meryenda, tanghalian, meryenda, hapunan, meryenda na naman, meryenda uli, almusal, meryenda at tanghalian. Bonggang bongang ang tanghalian sa sumunod na araw.

Walang fasting, fast eating lang. Tapos basa uli, basa, basa, basa, walang katapusang basa, cover to cover. Yung iba nga na hindi marunong magbasa, memorize na talaga nila yung Pasyon ni Kristo. Ikaw ba naman ilang ulit mong ginawa yun, sa iba’ t ibang bahay, di mo pa mamemorize.

Panata na iyon, sa kanila. Sa iba naman hobby lang, naghahanap lang ng magagawa kasi nga bakasyon. Matatanggihan mo ba naman ang libreng buffet? Sa mga nakakarinig, parang paulit ulit lang talaga ang tono, di mo na malalaman kung sino sintunado, kasi free style lang naman yun. Kanya-kanyang stilo. Pero kwidaw silang lahat, kasi literary masterpiece iyon at bahagi ng kayamanan ng kulturang Pilipino. Wala nun ang mga Kastila, mga Amerikano, lalo na ang mga Hapon.

Dat’s onli in the Pilipins. Sabi nila Pinoy daw nag-imbento ng Karaoke, at Pinoy din daw ang nagpasikat sa kaadikan nila sa Videoke. Kelan naman kaya magkakaroon ng video version ang Pasyon. Di ba mas makakreleyt ang younger generation pagnagkaganoon. Natutuwa nga ako dito sa amin, may mga bata nagbabasa ng Pasyon kasama ng mga nanay nila, paggising tuloy nila laki ng eyebags parang maletang pangbiyahe sa malayo.

Naexperience ko na rin ang magpabasa, sa bahay ng Lola ko sa Bicol. Nakakapagod, di ka makatulog sa dami ng tao. Nakakapagod, kasi ako ang tagahugas ng pinggan. Buong baranggay yata yung pinapapakain e wala pa sa bilang ng mga fingers ko at toes ko ang mga nagbabasa. Pero panata iyon e, at apo lang ako. Basta masaya ako pag may pabasa ang lola ko, di siya nagmumura, nagsusugal at nagagalit, sa buong linggo ng Mahal na araw. Hanggang dun lang.

Gud naman po ang pagbasa ng Pasyon, dahil nababalikan ng mga bumabasa at nakakarinig ang paghihirap at pagmamahal ni Kristo sa tao. Nasa sa tao naman talaga iyon kung tumitimo sa kanila ang binabasa at naririnig nila. Yun bang kung paano nila ito sinasabuhay matapos basahin ang last page nito, at kumain ng bonggang bongga. Haayyy Pinoy.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s