Wikang Pilipino sa Paglipas ng Panahon

Sa isang balita kamakailan, sinubukan ang ilang mga kabataan na tanungin ng isnang reporter kung ano ang ibig sabihin ng salitang “yamot”. Kakaunti lamang sa kanila ang nakasagot ng tamang kahulugan nito. Kung ang tanong siguro ay kang ano ang kahulugan ng “badtrip” o “buraot” mas malamang na masasagot nila ito. Sa paliwanag ng ilang mga guro, nagbabago ang wika at ang mga gamit ng salita sa paglipas ng panahon.

Ito ang ontolohiya ng ebolusyon ng wika. Ang purismo o paggamit at pagsalin ng wikang banyaga sa wikang Filipino ay mas naging mahirap para sa marami, maging sa mga pantas. Sa ganoong kundisyon, naging limitado ang sana’y pagpapayaman ng wikang Filipino. Ang purismo ay napakalayo sa likas na pag-unlad ng wika, kapagdaka’y nagmimistula itong banyaga sa tenga at dila ng mga Pilipino.

Ang klasikong Filipino sa titikan ni Balagtas ay sa kanyang panahunan. Kung ang balarila noon ay inakma sa panahon noon, ang balarila ngayon ay marapat ring iakma sa panahon ngayon. Gayundin ang pag-akap sa mga bago at napapanahong lapit. Ngunit, ang dalumat na ito ay magiging malaking katanungan sa ilan. Hindi na ba akma ang ang wika ng ilang daang taon sa wika ngayon?

Kung ako ba’y makikipagtalastasan sa wika kong inaral sa pamantasan, mababatid ba ang aking pahatid tinig? Hindi ba’t magpapamalas lamang ako ng katatasan na maaring hindi naman maunawaan dahil kapos ang kaalaman ng aking tagapakinig sa wikang aking ninais na magamit? Kung jejenese, bekenese, o gey lingo kaya ang aking ikuda, for sure matuk ng mga utawa ang sezlalu ko? Kung mag-usap kaya tayo ng mga intelehenteng bagay sa salitang kanto, mag-kakaunawan kaya tayo?

May iba’t ibang gamit ng wika. May pormal, impormal o kaswal. May purong Filipino at mayoong hindi. Sinasabi rin, na di nga lang bilingwal ang salitang Filipino kundi, multilingwal. Sa aking pananaw, ang lakas at kapangyarihan ng wikang Filipino ay namamalas sa kanyang likas na pag-akap sa iba’t ibang wika. Halimbawa na lamang ang paggamit ng salitang banyaga sa oras.

“Late ka na naman, 7:30 na. Bakit ba kasi nagpupuyat ka online at hindi mo i-alarm ang relo mo?” Ilang salitang halaw ang maluwag na naipaloob sa dalawang pangungusap na ito? Sumusunod pa rin ang pangugusap sa nakigisnang balarila, ngunit ang mga salitang dayuhan ay kagyat na nagagamit na halos walang kaibahan. Sa pormal na instruksyon, dapat ito ay sinasabi na – “Mahuhuli ka naman, ika pito’t kalahati na ng umaga. Bakit kasi nagpupuyat ka —- at hindi mo mapakuliling ang iyong orasan? ”

Mas mahirap nga. Ngunit ang Wikang Filipino ay yumayabong at patuloy niyang naakap ang mga pagbabago sa panahon. Kung ang wika ay para sa komunikasyon or pakikipagtalastasan, at ang komunikasyon ay para sa pagkakaunwaan. Marapat lamang na ito ay pagyabungin at pagyamanin. Ngunit nangangailangan talastasin muna kung ano ang kahulugan ng presebasyon at kultibasyon ng wika sa makabagong panahon.

 

2 thoughts on “Wikang Pilipino sa Paglipas ng Panahon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s