Pilipino ka ba?

Ang unang leksyon na natutunan ko pagtungtong ko sa paaralan ay ang magbigay galang sa watawat sa pamamagitan ng pagtayo, pagpatong ng kanang kamay sa dibdib habang inaawit ang “Lupang Hinirang”. Ito raw ayon sa aking mga unang guro at sa aking mga magulang ay pagpapakita ng diwang Pilipino at pagmamahal sa bayan.

Natatapos ba ang pagka-Pilipino ng isang mamamayan sa pagpasok sa sinehan. Nakakahiya ang aking natunghayan kagabi ng nanood kami ng isang pelikulang dayuhan sa isang malapit na sinehan. Huling palabas na iyon, kaya naman tatapusin ang programa sa pagtugtog ng pambansang awit. Sa unang nota ng Lupang Hiniran tumayo ako at sinabihan ang aking pamangkin na tumayo rin at umawit.

Tumingin ako sa aking paligid, nagtaka na ang babae at iba pang mga tao sa upuan sa aking likuran ay di tumayo sa pagtugtog ng pambansang awit. Sa itaas, sa balcony ay nakatayo ang mga tao habang umaawit, mayroon pa ngang ang mga kamay ay nasa dibdib. Lahat halos ng nasa aking harapan ay nakatayo.

Sandali pa’y bumuhos ang ilan pang grupo ng manonood, maingay, naguusap, nagtatawanan sa dilim. Di alintana na tinugtog ang Pambansang Awit ng Pilipinas. Gusto kong pigilan sila at sitahin upang huminto at magbigay pugay sa Pambansang Awit. Ngunit sa isip ko, wala ako sa posisyon, kung siguro ako ay nasa eskwelehan, magagawa kong sitahin ang mga estudyanteng walang galang sa Pambansang Awit ng ating bayan.

Ano nga ba kung di ka umawit, at di ka tumayo pagtinugtog ang pambansang awit. Kwento ng aking nanay, noon raw matapos ang Ikalawang digmaan, humihinto ang buhay, walang gumagalaw, kapag narinig nila ang himig ng Lupang Hinirang. Sa puso nila, ay nagaalab ang kaligayahan at diwa ng pagkabansa, sa kalayaang natamo mula sa mga mananakop.

Awit lang naman iyon. Awit ng pagkabansa, awit ng pagkaPilipino. At ang pagiging Pilipino ay hindi nawawala sa sarili sa pagpasok sa loob ng sinehan. Hindi dahil madilim ay magdidilim na rin sa diwa ng isang Pilipino na siya ay kabahagi ng bayan, na siya ay isang Pilipino. Ang tunay na pagmamahal at paggalang sa bayan ay nasasa-loob ng isang Pilipino, saan man siya naroon. Hindi kailangan ng pwersa o kamay na bakal para ito ipabatid, ito ay kusang nagluluwat sa diwa ng isang Pilipino.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s